Huwebes, Nobyembre 8, 2012

Sudden Change

Dahil nagdesisyon ako dati na magsinungaling, 'eto ako ngayon, feeling ko hindi ako makahinga, parang ang dami-dami kong iniisip. PARANG LAGING MAY PROBLEMA. Hindi ko alam kung bakit ako dumating sa puntong 'to. Alam ko sa sarili ko malayong-malayo yung dating ako sa kung ano yung nakikita ko ngayon. Hindi ko alam pero parang bigla na lang ako nagbago pero bakit naman sa lahat ng pagbabago, ganito naman kasama yung pinagbago ko? Hindi ko na-imagine yung sarili ko na aabot sa ganitong punto na parang naging isang major disappointment ako. Hindi naman ako ganito dati 'e. Siguro dati may mga pagkukulang na ko pero hindi ko naimagine na aabot sa ganitong punto na magiging ako yung taong pinagtatawanan ko dati. Yung nilalait-lait ko, yung dinedegrade ko. Minsan iniisip ko, tama na. Hindi ko na kaya, parang hindi na natatapos. Parang walang hanggan na. Hindi na ko makahinga. Bigla-bigla na lang ako umiiyak kung saan-saan, kung kailan man. Parang na nga kong baliw tuwing iniisip ko, "masaya naman ako kanina, ba't biglang ganito?" Hindi ko isinapubliko ko itong nararamdaman ko dahil naghahanap ako ng awa. Gusto ko lang ilabas kung ano yung bumabara sa'kin. Para kasing all of a sudden napuno yung problem capsule ko. Wala ng lalagyanan sa panibago pero kahit anong gawin kong isan'tabi yung mga problema kong hindi ko pa masosolusyunan ngayon, parang araw-araw ko pa'rin siyang naiisip, prinoproblema. Ayoko ng awa, ayoko ng half-hearted na console from people na hindi naman alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Kaya nga ko nagdesisyon magsinungaling 'di ba? Siguro para sa iba ang babaw ko, na kumpara sa problema ko, may mas malalaki silang problema sa'kin. Kaso ang problema, hindi naman ako accustomed sa ganitong setup. Hindi ako ginawa na malakas sa ganito 'e. Baka isipin ng iba, napakababaw ko, na kumpara sa kanila na kinakaya kahit mas malaki yung problema nila, 'eto ko namomroblema ng maliit para sa kanila. Nadidisappoint ako sa sarili ko kasi alam ko na may expectation ako na kailangang abutin kaso di ko inaabot. Mababa na nga yung binigay nilangexpectation, di ko pa kinaya. Minsan iniisip ko, ano kaya nangyari kung hindi ko sinunod yung gusto ko? Kung tumuloy ako dun sa ayaw ko pero mas mababa pa yung expectation, siguro mas okay siguro ako pero wala na e. Pinili ko 'to at kailangan kong panindigan 'to, HANGGANG DULO. Pinipilit ko na kayanin. Walang ibang choice kundi magtagumpay. There's no excuse for failure. Sana in the midst ng pagbabago na 'to kayanin ko. Kahit na hindi ko alam kung pa'no ko pagtatagumpayan 'to, sana kayanin ko. I know this blog should've been an all English blog but I guess I can't express what I really feel if I would write it down in a language that I know I still have to check. Maybe I won't be feeling kind of relieve if I express all of this things in English. I know it's lame but I need this.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento